Pasensya kung mejo maingay ngayon sa loob ng blog ko, depende kase sa mood ko kung ano ang pinapakinggan ko. Parang takbo ng buhay, pabago bago. Sadyang ang hirap isipin na hindi lahat ng gusto naten makukuha naten, kahit pa paghirapan naten ito. May mga bagay talaga na hindi pwede, karamihan sa atin sumasabay nalang sa gulong ng ng takbo ng panahon, kaya karamihan sa atin ay naiipit sa mga sari saring sitwasyon. Pero choks lang. Basta't nasusunod ang gusto.
Ang kinakatakutan ko sa amin ni Miming ay baka magbago sya, sa mga panahong hindi kami nagkikita. Nagbago na kase ang ihip ng hangin para sa aming dalawa, may mga bagay na hindi pwede. Natatakot ako na baka magpatangay sya, dahil malayo ako sa kanya. Baka masanay syang wala ako sa buhay nya. Ang daming tumatakbo sa isip ko na di ko malaman kung ano ang dapat gawin, steady nalang ako sa isang sulok at naghihintay kung ano ang susunod na mangyayare. Panahon na naman ba para ako'y masaktan ulet? Sabi nga ni Papa Jack "Ang mga sakit na hindi nakakamatay will only make you a stronger person..". Pero may tiwala ako kay Miming, sana nga lang hindi dumating yung panahon na kinakatakutan ko.
Kung ako lang sana ang masusunod eh ayaw ko ng umalis pa si Miming pabalik ng Japan, pero pano? Kelangan nyang kumita para sa pamilya nya, at ang masaklap..kelangan nyang magpasakal..este magpakasal sa isang hapon. Pero pangako naman nya saken na kahit na dumating man ang araw na yun, at magkakaasawa na sya...ako pa rin daw ang magmamay ari ng puso at pagmamahal nya. Sakin pa rin daw sya nakatali kahit na san sya magpunta. Natatakot ako, kadalasan kase sa mga pangako ay napapako. Pero umaasa pa rin ako, at maghihintay nalang ako kung ano ang susunod na mangyayare, mahal ako ni Miming. Iba kase si Miming sa mga taong nakilala ko, marunong syang tumupad ng pangako.
Naninibago ako sa kanya, hindi na kase ganun kakulit sa text. Ang akala ko walang magbabago, pero may pinanghahawakan ako, hindi ako bibitaw hangga't di nya sinasabing ayaw na nya. Bihira ko na rin marinig ang boses nya, paminsan minsan nalang kase syang tumatawag. May mga negatibo akong naiisip pero pilit ko itong nilalabanan at di ko nalang ito sinasabe sa kanya, ayokong masakal si Miming, ayokong maging nagger. Mas malaki kase ang possiblities na magloko ang isang tao kung puro ka duda kahit wala namang katibayan. Mahal ko si Miming at magtitiis ako hangga't mahal nya ako..
Tawagin mo man akong gago, wala pa ring magbabago sakin. Iba ako sumeryoso ng tao, lalo na't mahal ko.

No comments:
Post a Comment