Alas-ocho ng umaga, wala pa talaga akong tulog..hindi rin ako nakaramdam ng antok dahil sa nangyare. 9:30am ang klase ko, eto at nagkakape habang nag-yoyosi. Ibinubuhos ko nalang dito sa luma kong notebook ang mga iniisip ko. Hindi ko talaga maimagine ang nangyare kagabi ng tinext saken ni ate Bambam tungkol kay Miming. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pakikipag-usap sa kaboardmate ko habang nagsusulat. Ang akala nila siguro nila ay naglilista ako ng mga pautang, pero wala silang kaalam-alam sa nangyare at wala rin akong balak ikwento sa kanila dahil tiyak pagchichismisan na naman 'to ng mga taong makakati ang dila. Nakakatakot isipin ang susunod na mangyayare sa relasyon namin ni Miming. Ganun naman talaga ang buhay, hindi lang puro sarap at saya..paminsan-minsan kelangan din nating kilalanin ang sakit.
Nabaling ang atensyon ko sa land lady namin, ang aga-aga eh ang ingay-ingay. May nagtapon na naman daw kase ng madugo-dugong napkin sa banyo at barado pa ang inidoro.
Nawiwirdohan ako sa mga kaganapan kapag umaga. Minsan lang kase akong masikatan ng araw, hindi kase ako pala-labas na tao. Ang masaklap neto, sa pagsikat pala ng araw ay nakakabit na problema na humaharang sa dala nitong liwanag. Nabubuhay ako sa dilim, nagtatago, malayo sa mga taong mapanghusga. Hindi kase nila maintindihan ang tulad ko. Hindi tanggap sa lipunan ang relasyon namin ni Miming,
Pero masasabi ko lang, mas mabuting tao naman ako sa kanila. Hindi ko intensyon ang manghusga o manakit ng kapwa, hangga't wala kang inaapakang ibang tao walang masama sa ginagawa mo kung malinis ang intensyon mo. Di tulad ng mga nagmamalinis jan, na kung umasta eh parang walang kamikro-mikrobyo sa katawan, at balak pang makialam sa buhay ng may buhay para ano?? ..para gawin tayong kagaya nila na nang-aapak ng ibang tao...
Hangad ko lang ay ang magmahal at mahalin gaya ng karaniwan. Si Miming lang ang nakakaintindi saken. Mapagkumbaba akong tao at walang tiwala sa sarili. Sumasabay lang sa agos ng buhay..kung san man ako mapadpad o ano man ang magiging kapalaran ko sa hinaharap o maaga ba akong mawawala sa mundo. Wala na bang karapatang mabuhay ng normal ang isang tulad ko?

No comments:
Post a Comment