Ming, kung nababasa mo 'to..wag kang mag-alala saken, ikaw ang inaalala ko. Tungkol sa nangyare kagabi..sa inyu ng ate mo..dahil saken.. Kung may magagawa lang sana ako. Wag kang mag-alala, nandito lang ako kung kelangan mo ako.. Hindi ako susuko, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita at walang makapagbabago sa nararamdaman ko sa'yo. Kahit lusubin man ako ng pamilya mo, kahit kelanganin man na layuan mo ako, magsasakripisyo ako, maghihintay ako sa'yo tulad ng pinangako ko. Alam ko namang mahal na mahal mo rin ako, at kahit magkalayo tayo basta't saken pa rin ang pagmamahal mo, hindi ako susuko, hinding-hindi tayo maghihiwalay hangga't di nanggagaling mismo sa bibig mo na ayaw mo na saken. Kahit lagi mo akong pinagdududahan, kahit wala kang tiwala saken, kahit 'di ka naniniwala sa mga sinasabe ko. Papatunayan ko na mali lahat ng iniisip mo. Ngayon mo masusubukan ang pag-ibig ko sa'yo, ngayon ko mapapatunayan sa'yo na na totoo ang nararamdam ko. Ikaw lang ang prinsesa ko, ang nag-iisang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. Kelan man ay wala kang kahati.. Ikaw lang ang gusto kong makasama, ikaw lang ang kaligayahan ko. Wala kang dapat ikatakot, ibahin mo ako sa mga taong nadaan na sa buhay mo. Umaasa ako na maayos din ang lahat balang araw. Sa'yo lang ako nakaramdam ng sigla, may mga bagay na ikaw ang nakagawa at nakapagpadama saken. Hindi ako maghahanap ng kapalit, hindi kita pakakawalan..sana ganun ka rin saken. Ikaw lang ang pinagkukunan ko ng lakas para maging matatag, sana naman wag kang sumuko this time. Diba ikaw nga ang laging nagsasabi everytime nagkakaproblema o nag-aaway tayo, at ilang beses pa nga tayong muntikang maghiwalay ....pagsubok lang to diba mahal ko? At marami pa tayong lalagpasan, wag ka lang bumitaw saken. Marami pa tayong mga pangarap, para sa ating tatlo ng baby mo..at umaasa akong matutupad yun. Sorry sa mga kasalanan ko, sorry kung nagkaganito. Sabihin mo saken kung galet ka. Lage naman akong nakikineg bilang kaibigan, kapatid ay hubby mo. Paninindigan ko ang mga pangako ko at pagmamahal ko sa'yo . Gusto kitang makasama habambuhay.I LOVE YOU MAHAL KO, ASAWA KO, BUHAY KO..
No comments:
Post a Comment