Thursday, January 12, 2012

Baliw!

Ako yung taong parang walang kakiliti-kiliti sa katawan. Para akong manhid, laging nakakunot ang noo, madalas nag-iisa. Minsan naman pag umandar ang topak ko, nagiging malisyoso ko, nagdadabog, bitter, at kung minsan naman tawa ng tawa kahit hindi masyadong nakakatawa. Parang sira ulo lang ahh noh?

 Pero nabago ang lahat ng yung simula nung naging kami ni Miming, lahat ng kakornihan sa mundo nasa sakin na siguro. Eh ikaw ba naman mabaliw sa girlfriend na sobrang sarap (hmm!malisyoso ka rin!?).. Ang ibig kong sabihin sobrang sarap magmahal.. Tyak hahanap-hanapin mo sya bawat sigundo na lumipas at tutulo ang laway mo sa pamimilipit sa panggigigil na makita syang ulit.

Nandito ako sa internet cafe ngayon, katabi lang ng school namin. Hindi pa rin maalis si Miming sa isip ko, palagi ko syang naalala. Siguro kung nababasa nya ang mga post ko ngayon, masasabi nya siguro na nasisiraan na ako ng ulo. Iba kase ako dito sa blog, madaldal ako...iba sa personal, tahimik lang at laging nabubulol. Siguro sa dami ng iniisip ko - nakatambak lahat sa bibig ko ang mga iniisip ko na gustong-gusto kong sabihin. Dito ko nalang ibinubuhos sa blog ang mga iniisip ko. Baka sakali magkaintindihan naman tayo.

Miss ko si Miming, pag magkasama kami hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero iba ang nararamdaman ko, na kahit feeling nya wala lang sya saken at feeling nya binabalewala ko lang sya at ang mga bagay na ginagawa nya. Pero ang totoo ang dami ng tumatakbo sa isip ko pero hindi alam kung pano sabihin. Hindi lang talaga siguro mabasa sa mukha ko kasi para akong walang reaksyon, Pokerface -- ika ni Lady Gaga. Hindi ko alam kung bakit ako ganito, siguro dahil sa kinalakihan at nakasanayan ko na buhay na malungkutin. Kaya nanibago ako nung nakilala ko si Miming. Para kase syang toro na atat na atat palagi magwala...Full of energy. Game si Miming sa halos lahat ng bagay, pwera na lang kapag tinotopak sya, pero walang kaibahan..full of energy pa rin sya..Sumimangot, todo ang force na parang maiipit ka sa gitna ng nagkasalubong nyang mga kilay.

Hindi ako magaling sa kasweetan, kaya minsan nagtatampo si Miming sakin. Pero sinisikap kong iparamdam sa kanya na mahal ko talaga sya sa sarili kong pamamaraan. Late na ako nakapagbigay ng regalo kay Miming,, kaya sinulit ko na, hindi ko kase sya nabigyan nung pasko, monthsaries namin at nung birthday nya. Estudyante pa lang kase ako, at kelangan kong i-budget yung allowance ko kase mahirap malayo sa magulang. Binigyan ko si Miming ng teddy bear na kulay pink, napaka-cute. Kung minsan nga kinakausap ko at natural, hindi sumasagot. Sa sobrang pagkamiss ko kay Miming, nasiraan na nga yata ako ng ulo. -- Pinangalanan nya itong Zildjian. Matagal ko tong naibigay kay Miming kase matagal kaming hindi nagkikita, tumatakas pa sya para makipagkita saken.

Kung alam lang sana ni Miming kung gaano ko sya kamahal at gaano sya kahalaga sakin, na hindi mapapantayan ng sinuman o ano mang material na bagay sa mundo. Hindi ko sya ipagpapalit sa ibang babae! Si Miming lang! Si Miming lang talaga! MEOW!!!

No comments:

Post a Comment