Thursday, January 19, 2012

Mabalahibong Pagsubok

Nag-away kami ni Miming sa mga rasong hindi maintindihan. Pinagdududahan at pinagbibintangan nya ako ng kung anu-ano. Ang totoo wala naman talaga nagbago saken, sa sitwasyon siguro, oo. Kase di na kami madalas mag-uusap sa mga bagay-bagay. Pero kailanman ay hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya kahit parang magkaka-hypertension ako pag tinotopak siya.

Isang gabi, kumukulo talaga ang dugo ko nung tumawag sya . Iba kase ang tono ng boses at pananalita nya, alam kong 'di sya ok pero ayaw nya sabihin saken bakit sya nagkaganun. Tas nung tanungin ko siya kung nasan siya..sinagot ba naman ako ng "Nasa ibang bahay naghahanap ng aliw!!". Pero kahit alam kong biro lang nya yun kasi hindi naman talaga sya ganung klaseng babae, eh kumulo talaga ang dugo ko na parang gusto kong pasabugin ang isang buong kontinente at magka-World War III... Pero naging ok naman ang lahat.

Pero ang di ko inaasahan na may kasunod palang problema.

The night after nun, umextra mag-gig si Miming dito sa Davao kasama yung dating mga kabanda nya. Gumimik naman yung mga kapatid nya para manuod ng gig nila, at oo! andun din yung terror nya na ate na kinakatakutan nilang lahat.

Habang ako naman ay nagpapababa ng tama sa ininum namin ng mga kabatak ko sa tambayan malapit sa school. Mejo nagpapalpitate pa at masakit ang ulo -- Nag-text si Miming na pumunta ako sa bar na tinutugtugan nila para magkita kami, pero dun lang kami sa luma at madilim na CR kung san wala ng tao ng mga oras na yun.

Agad naman akong pumunta, less than 10 minutes ata at nandun na ako sa rendezvous namin. Ilang saglit lang at nagkita na din kami ni Miming, nangangamoy alak at lasing na ata. Niyaya nya ako sa loob dun namin ibinuhos ang pagkasabik sa isa't-isa..oo, standing position kame.. Matagal din kami sa loob at nung natapos na kami, binigyan ko sya ng konting pera para pambili ng kakailanganin nila ng baby nya. Malaki rin kase ang naitulong ni Miming saken nung mga panahong walang-wala ako. Hirap na kase sya ngayon rumaket sa banda kase mahigpit yung ate nya, kaya nagtabi ako ng kaunti galing sa allowance ko. Nailang ako nung pinaipit nya sakin yung pera sa bra nya.

Pagkatapos naming mag-usap sa loob, dali-dali na akong lumabas, kinakabahan ako na baka may makakita saken kaya direcho lang ako sa paglakad palabas ng bar. Bumili pa ako ng softdrinks sa katapat na tindahan at tumambay ng ilang minuto sa dilim habang nag-yoyosi. Ewan ko, hindi talaga ako mapakali sa pagkikita namin ni Miming..dapat maging masaya ako dahil nakasama ko sya kahit sandali lang.

Naglakad nalang ako pauwi para magpahangin at mag-munimuni. May nadaanan pa akong bugaw at inalok pa ako ng chicks. Ang sarap sagutin ng "Sige..thank you nalang at katatapos ko lang". Pero di na ako kumibo, ngumiti nalang ako at patuloy sa paglalakad.

Malapit na ako sa kanto ng boarding house ng may mga tambay na nagsasabing may naghahanap daw saken, isang babae at isang lalake. Hindi ko na sila pinansin dahil hindi ko naman sila kilala at baka napagtripan lang ako,

Pagdating ko sa may tindahan nakasalubong ko yung sinasabi nung mga tambay na naghahanap saken. Kabanda pala ni Miming tsaka yung ate Bambam nya ang naghahanap saken. Hinahanap nila si Miming..inaakalang baka pumunta sa boarding house ko. Kinabahan ako at di ko na alam ang isasagot ko. Galit na raw kase yung kumander na ate nila kase bigla raw nawala si Miming at gusto na nilang umuwi. Hindi naman nagalit si ate Bambam at parang concern pa sa aming dalawa ni Miming.

Pagpasok ko sa kwarto, nag-charge agad ako ng cellphone. Hindi ko tinext ang number ni Miming sa takot na baka mabasa ng ate nya, ramdam kong gulo ang mangyayare. Ang tanging ka-text ko lang ay yung isang ate nya na nakakaalam sa relasyon naming dalawa. Patuloy sa magbibigay ng impormansyon sa mga nangyayare. Kaya pala hindi ako komportable sa pagkikita namin ni Miming....

Ng makita na nila si Miming na kalalabas lang sa CR kung san kami galing. Agad siyang sinampal ng ate nila. Yun ang sabi ni ate Bambam sa text. Nag-alala ako hindi lang sa relasyon namin kundi kay Miming mismo. Grabe raw ang iyak nya, baka pinahiya pa sya. Yun ang mga sabi-sabi na mga nirereport saken pero eto ako, nasa kwarto at walang magawa para ayusin ang gulo. 6:40am at wala pang tulog.

Ang huling text ko lang kay ate Bambam ay "Te, pakisabi kay Miming na mahal na mahal ko siya..". at pinabasa naman nya ito kay Miming at mas lalo raw itong humagulgol. Hindi na ako nagreply pagkatapos nun. Ayaw ko munang guluhin ang mga pag-iisip nila.

Alam mo yung feeling na gustong-gusto mo ng umaksyon pero wala kang magagawa dahil kahit gustuhin mo man ay wala ka pa ring kalaban-laban?

Katapusan na ba namin ni Miming? Mahal na mahal namin ang isa't-isa at handa akong magtiis, maghintay at magsakripisyo para sa kanya. Hindi ko sya iiwan sa ere..ngayon na mas kelangan nya ako. Hindi ko alam kung anong susunod sa kwento naming dalawa. Sana pwede pang maayos ang lahat...

No comments:

Post a Comment