Tuesday, January 10, 2012

Mundo Sa Loob ng Kahon

Magdadalawang linggo ang makalipas ng huli kong makasama si Miming sa iisang bubong. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Naglive in kami ni Miming ng tatlong buwan, at nung nakaraan dalawang linggo ay kailangan na nyang umuwi sa kanila kase umuwi na yung ate nya galing Japan. Bantay sarado si Miming, patago kami kung magkita, pero sinusulit naman namin ang kasarapan sa buhay sa tuwing kami ay nagkikita, paminsan minsan pumupunta sya sa bahay namin sa probinsya. Pero lagi ko syang namimis, parang hindi umiikot ang mundo ko ng wala sya, parang walang sigla at saya.  Nasanay na akong palagi ko syang nakikita, sabay kaming kumain, sinusundo ko sya paminsan minsan sa mga gigs nila, sinasamahan sa mga out of town shows ng banda nila. Namimis ko lahat sa kanya, pati pag utot nya, kahit na lage syang naiirita saken at inaaway nya ako.

Para akong walang sustansya sa katawan na hindi makagalaw ng maayos at nanghihina, mag isa nalang ako sa kwarto, sa kama kung saan kami laging naglalambingan at alam mo na. Ngayon para akong paralyzed na hindi makagalaw, hindi alam ang gagawin, laging nakatulala. Madaldal si Miming, hindi sya nauubusan ng kwento kahit magdamag kang nakatunganga sa kanya. Kaya kahit wala akong ginagawa basta't kasama ko sya, masaya ako.

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami ganito, naghihintay lang ako ng tamang tyempo.

No comments:

Post a Comment