Tuesday, January 17, 2012

Time Machine

Eto at nakatulala na naman sa loob ng kulungan ko, nagsusulat habang nakikineg ng radyo, mga kantang nakakalungkot. Parang kahapon lang nung kasama ko si Miming, ambilis ng oras pagkasama ko si Miming, pero parang taon ang hihintayin ko para makita sya ulet. Feeling ko napag iwanan ako ng mundo..parang lahat ng tao sa paligid ko ay pinagkakaisahan ako kung wala si Miming, para akong walang kakampi.. hehe ibahin na nga lang natin ang usapan at baka maiyak pa ako dito sa kaiisip. Kwentohan ko nalang kayo tungkol sa sarili ko since akin naman ang blog na 'to, wala kang choice kung hindi ka interesado wag mo nalang basahin, mag troll ka nalang sa ibang site. :D

(konting katahimikan at uumpisahan ko na ang storya)

Masakitin ako nung bata pa ako, ako ang bunso sa dalawang magkapatid. Parehong busy sa negosyo ang mga magulang ko kaya yaya ko ang kinikilala kong ermat nung bata pa ako. Bantay sarado ako kaya hindi ko masyadong naenjoy ang kabataan ko. Yung iba nakikipaglaro sa mga kaibigan nila habang ako nakikipaglaro kina Mario at Luigi(sino ba naman ang hindi naadik sa family computer?). Bihira lang akong makalabas ng bahay ng walang bantay. Hindi ako marunong lumangoy hindi kase ako nagkaroon ng chansa para matuto, yung mga pinsan ko parang mga syokoy kung lumangoy habang ako nasa tabi lang kung san hanggang tuhod lang ang tubig, baka raw kase malunod ako. Kaya siguro lumaki akong takot sa buhay dahil sa pagkapraning ng mga magulang ko at ang ng mga alagad nila.

Hanggang sa mga oras na to at sa kinatitirikan ko ngayon, Hindi ko pa rin alam kung anong purpose ko sa buhay kung bakit pa ako humihinga ngayon. Lagi nalang akong takot. Nag attempt akong magsuicide nung nasa 2nd year highschool pa lang ako, dahil sa first girlfriend ko, kumalat pa nga ang chismis sa buong campus. Ang tibay pa rin ng sikmura ko kahit ilang sleeping pills ang nilaklak ko, eto at buhay pa ako. Sabi nila masamang damo matagal mamatay. Pero sa tingin ko may halaga talaga siguro ang buhay ko dahil hindi ako hinayaan ng Diyos na magswimming sa karagatan ng apoy kasama ni Lucy.. Hindi pa naman ako marunong lumangoy..

Grumaduate ako ng highschool sa isang Catholic school kaya may mga natutunan din ako sa buhay at kahit papano hindi napariwara ang kaluluwa ko. Masama man ako sa mata ng mga taong nagmamalinis..dahil sa may tattoo ako, may bisyo, makasalanan. Teka??sino bang sira ulong nagsasabing wala syang kasalanan? Ganun naman talaga ang karamihan, mapanghusga, nagpapanggap na malinis, gagawin ang lahat para umangat. Kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila, gusto ka pa rin nilang saktan. Basta ako, ineenjoy ko ang karapatan ko as long as wala akong inaapakang ibang tao. Hindi naman siguro masama ang magmahal at karapatan ko yun.
Ang totoo malungkutin talaga akong tao. Walang direksyon ang buhay ko, walang pangarap at patutunguhan. Ang tinuring ko ng tanging kasangga sa buhay na kailanman ay laging nanjan kung kelanganin ko ay ang musika. Bata pa lang ako pangarap ko talaga maging katulad ng mga idolo kong banda, naging inspirasyon ko sila. Main influence ko talaga ang Slapshock dahil una ko talagang nakahiligan ang hiphop, at dun nauso ang rap metal. Dun ako unang nahilig sa mga maiingay na tugtog. Mas nafocus ang atensyon ko sa drums. Kaya sabi ko paglaki ko gusto ko maging drummer! Naging drummer nga ako, sa school band..una akong natuto ng mga simpleng palo nung kinder 2 hanggang nag grade 2 ako. Hanggang sa nag highschool ako, at dala ng barkada..natuto akong tumugtog ng gitara. Dahil sa patambay tambay kapag walang pasok sa eskwela, may mga nakilala ako at nasali ako sa grupo nila. Una talagang role ko ay bassist kase mahihina pa yung mga daliri ko, bass kase ang pinakamadaling pag aralan...hanggang sa naging rhythm guitarist ako sa ibang grupo. Dun din ako nalulong sa pagyoyosi at pag inum.

Nagkaron ako ng sarili kong drumset nung 4th year highschool ako. Hanggang sa nafocus ako dito at nasali ako sa isang showband kung san nakilala ko si Miming. Dalawang taon akong walang gana sa pag aaral dahil sa nakaadikan kong ito. Hindi pang lifetime assurance ang pagbabanda pwera nalang kung maging kagaya ako ni Ozzy Osbourne ng Black Sabbath na kahit uugod ugod na, kumikita pa rin habang parelax relax. Kaya ipinagpatuloy ko ang pag aaral ko.

Maraming nagsasabi na napakalalim kong tao, hindi totoo yun. Tahimik lang kase ako, palaging malalim ang iniisip. Naging past time ko na siguro ang mag isip. Ang totoo mababaw lang ang kaligayahan ko. Hindi ko hinahangad ang marangyang buhay, mga material na bagay na nakakasira ng ulo. Mas gusto ko ang simpleng buhay, yung tipong paglingon mo anjan lahat, hindi lang puro luho pero yung kelangan mo talaga. Yung mga mahal mo sa buhay. Basta't masaya at walang naghihirap. Walang mabigat na responsibilidad. Ang mahanap at makasama yung totoong taong makakasundo ko at magmamahal saken.

Marami rin silang nagdaan sa buhay ko, may maitim, may maputi, may pango, may social climber, may isip bata, may dancer sa club, may pick up girl, may tindera ng gulay sa palengke, may abusado at maluho. Pero kahit ano man ang tawag ko sa kanila, laking pasalamat ko sa kanila at natuto akong maging matatag sa kabila ng mga pasakit nila, hindi ako nagtanim ng galit pero may mga bagay lang na sadyang hindi talaga makakalimutan. Pero iba na pagdating kay Miming, hindi ko maimagine na may tao rin palang may katangian gaya nya, yung mga katangiang pinapangarap nating lahat. Sana si Miming ang makasama ko hanggang sa kahulihulihang sandali ng buhay ko. Dahil sa kanya natuto akong mangarap at magseryoso sa buhay at kung anumang responsibilidad na sasalubong sa amin nawawala ang takot ko. Sya ang naging lakas ko para gawin ang mga bagay na di ko pa nasubukan at kinakatakutan ko, lakas para gawin ang lahat makasama ko lang sya. May mga bagay na hindi ko alam na si Miming ang kasagutan, mga lugar na gusto kong puntahan at nabigyan ng katuparan dahil kay Miming. Nagbago ang pananaw ko sa buhay dahil lang sa kanya...



Masaya ako na naging kami ni Miming, kung nakikita lang ako ng mga lumang tao sa buhay ko sa piling ni Miming..maipagmamalaki ko siya sa kanila. Hindi ko man hawak ang tadhana, pero ang panahon mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala kami, ang lakas ng impact ng babaeng mahal ko ngayon sa buhay ko. Malaki ang naging parte nya sa buhay ko na kailanman ay di ko malilimutan.

No comments:

Post a Comment