Tuesday, January 24, 2012

Rak en Rowl!

Magulo talaga pag sabay kaming tinotopak ni Miming.. Nag-away na naman kami nung Sabado at muntikan ng mauwi sa hiwalayan. Basta nalang kaming hindi nagkakaintindihan kahit malinaw naman ang usapan, para kaming mga bata na nagtatalo sa iisang laruan pero nagkakabati naman agad. Hindi naman seryosong bagay ang pinagtatalunan namin, dala lang siguro na gusto kong mapapansin sa kanya kasi madalang nalang kaming magkita. Alam ko kase sweet na lambingan na naman kase ang kasunod. Pero nung Sabado, napaiyak ko si Miming, nasasaktan kasi ako sa twing sinasabi nyang makikipaghiwalay na sya, kahit di man nya totohanin, nakakatakot kase na baka masanay sya at tuluyan nya na talaga akong iwan, napakadali lang sa kanya bitawan ang mga salitang kinakatakutan ko. Dumagdag pa sa kaba at galit ko si Mr. Makisig na ala-Piolo PAK!este Pascual na hirit ng hirit kay Miming sa FB.

Nasa bar ako nung time na yun para magpalamig ng ulo ng abutin ba naman ng malas 'tong hinayupak na cellphone ko na ang bilis mag-lowbat. Hindi ko nasagot ang tawag ni Miming, kaya nakicharge muna ako. Hanggang sa humaba na ang storya, nung nabasa ko na ang mga messages nya. Gusto na naman nyang makipaghiwalay.

Habang kausap ko yung gitarista ng banda sa may CR nakita ko yung ex ko na nakasandal sa labas ng kinatatayuan ko, tila laseng na.. Hinampas ko pa sa balikat sabay sabing "Huy! kumusta?nasan yung bagong jowa mo? Pakilala mo naman saken! :D" Nagulat sya nung nakita nya ako, mejo tipsy na rin ako nung gabing yung at di ko na naisip na pwede nyang hatawin ang mukha ko dahil pinagpalit ko sya sa hot na hot momma kong si Miming. (No doubt naman kasi yun kase yung ex ko walang hita, tuhod derecho baywang at ang sama pa ng ugali.yah know what i mean.hehe!) At ayun, tinawag nya yung jowa nya na nakatayo sa may cashier. Ewan ko kung bakit sila parang takot sa akin. Nagshakehands kami nung jowa nya sabay pakilala, gusto ko sanang matawa kaso baka magalit sila..hindi ko naman kase kasalanan kung bakit parang nasagasaan ng pison yung ilong ng jowa nya.hehe! Sincere naman akong nakipagkaibigan sa kanila pero sila ata yung hindi kasi dali-dali silang umalis at nakalimutan na ata yung pakiramdam na gusto nilang gumamit ng banyo. Tuloy ang kwentohan namin nung kausap ko at nagpaalam na ako pagkatapos kase nga nag-away kami ni Miming at gusto ko syang puntahan sa kanila.

Pinalamig ko nalang ang sitwasyon nung gabing yun, ang hindi ko alam umiiyak pala si Miming ng tumawag sya sa amin at hinahanap ako.

Linggo, pinuntahan ako ni Miming sa bahay namin. at ok na kami....

Itutuloy ko pa ba? Alam nyo na siguro ang susunod na mangyayare diba?

Oh yeeeee! nag-rock n' roll na naman kami ni Miming, expected ko na yun.. Hindi talaga yun nawawala sa tuwing magkasama kami at miss namin ang isa't-isa. Sa sobrang pananabik ko sa kanya, nilawayan ko sya ng bonggang-bongga, padapa, patihaya, patagilid, sisira, bubuka........ang bulaklak, forward, backward, clockwise, counter-clockwise..hehe! May naaamoy pa nga ako, hindi ako sure..NEVERMIND! hahaha! Walang nasayang na sandali.. Ibinuga nya lahat ng namimiss ko sa kanya. :D



Friday, January 20, 2012

Panumbalikan ng Sigla

Kudos amigos! Unang-una, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko..kung matutuwa ba ako, mahihiya, matatakot o malulungkot. Ayun, nagkausap naman kami ni Miming kanina. Nag-alala ako sa mga pasa at sugat na sinapit nya kagabi sa ate nyang masasabi nating may sa pusa rin. Hinataw nya si Miming ko ng over-over...Pusang gala naman oh??

Nabuhayan naman ako ng dugo sa sinabe ni Miming saken kanina, na HINDING-HINDI RAW KAMI MAGHIHIWALAY KAHIT NA ANONG MANGYARE at AKO LANG ANG MAHAL NYA. At eto pa mga tsong!..babalik na raw ng Japan ang ate ni Miming sa Monday..isang malaking
 KING HEI FAT CHOI talaga ang magaganap kapag nagkataon, ibig sabihin wala ng kakalmot sa kanya pag naghuhuramentado na naman siya, at syempre, hindi ko naman hahayaan na magwala si Miming na parang pusang nakakain ng cellophane,  ako ata ang one and only savior, knight in shining armor, protector ni Miming..proxy lang yung ex nyang kamukha ni Enchong Dee..tagilid naman ako dun, pero di bale, magaling naman akong magdouble-peds..hehe!  Kung drums lang talaga ang labanan eh tyak panalo na ako, kahit pa na magaling mag-luto si Huwat Ching Lei, kung pwede lang sanang lutuin yung double-peds, drumsticks at mohawk ko para kay Miming ko para di sya makaisip na palitan ako kapag wala na kaming makain.. ^_^ Pero hindi naman mangayayare yun dahil ako na ang panalo at ako na ang nagmamay-ari ng puso ni Miming, at hindi naman sya magugutom dahil bubusugin ko sya ng pagmamahal ko..ayeee**!!!Nakss namannn!!!

Masaya naman ako at may bagong tao na nakaintindi saken dahil dun sa nangyare kagabi, walang iba kundi ang one and only ate Bambam ni Miming! masaya ako dahil sa mga advices nya sa amin ni Miming. Nung una eh takot na takot pa ako dun na parang hihimatayin ako sa kakapigil ng hininga ko pag nilalambing ako ni Miming sa harapan ng ate nya, ngayon parang ok..na ata? Hindi ko alam..
Pasado na ba ako, te? Pwede ko na bang pakasalan ang kapatid mo?hehe
Pero syempre hindi nya mababasa 'to dahil baka mabasa nya yung ibang posts ko na kinakalmot ko rin ang kapatid nya pero sa masarap naman na paraan..baka siya pa ang unang pumatay saken..NAKU!!

At eto matindi..may bago akong tagapagsubaybay sa blog kong ito, nangunguna na jan si Miming na masugid kong tagapagsubaybay sa mga kawalang-yaan ko sa buhay..hihi at pangalawa naman yung dambuhalang friend ko.. ;) Hulaan mo kung sino?pangatlo sya actually........Walang iba kundi ang anak ng land lady namin! Hurray! Wag lang sana syang magsumbong sa mga pinagsusulat ko dito tungkol sa nanay nya hehe joke!wala naman akong ibang sinabe kundi maingay yung nanay nya..totoo rin naman pero sige idadaan ko ulet sa joke ;) Nung una ay ayaw ko talaga ipabasa sa kanya, kaso habang nag-uusap kami ni Miming sa phone kanina at nabanggit ang tungkol sa blog ko..gusto rin ni Miming na ipabasa sa kanya kase close nga raw sila.. Ayan tuloy at wala na akong tinatago, wag lang sana syang magkakamali na ipagsabi sa iba kundi sasakalin ko talaga sya sa pagtulog nya!!hehe joke ulet.. Tinuktukso nya tuloy ako tungkol sa mga kati ni Miming sa katawan..haha! choks lang, swerte ko rin naman at natikman ko ang kasarapan ni Miming..kaya masasabi kong, it's something to be proud of, mahal ko naman si Miming kaya ok lang.pakakasalan ko naman sya sa lahat ng lugar kung san man kami pwedeng ikasal, o kahit sa damuhan ok na...

Sana tuluyan ng maging ok ang lahat, at maging bahagi nalang ito ng mga pagsubok na pagtatawanan namin balang araw dahil kami pala talaga ang magkakatuluyan..ayeeee****
(kinikilig ako pero pokerface pa rin..haha!)

Thursday, January 19, 2012

Alay


 Ming, kung nababasa mo 'to..wag kang mag-alala saken, ikaw ang inaalala ko. Tungkol sa nangyare kagabi..sa inyu ng ate mo..dahil saken.. Kung may magagawa lang sana ako. Wag kang mag-alala, nandito lang ako kung kelangan mo ako.. Hindi ako susuko, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita at walang makapagbabago sa nararamdaman ko sa'yo. Kahit lusubin man ako ng pamilya mo, kahit kelanganin man na layuan mo ako, magsasakripisyo ako, maghihintay ako sa'yo tulad ng pinangako ko. Alam ko namang mahal na mahal mo rin ako, at kahit magkalayo tayo basta't saken pa rin ang pagmamahal mo, hindi ako susuko, hinding-hindi tayo maghihiwalay hangga't di nanggagaling mismo sa bibig mo na ayaw mo na saken. Kahit lagi mo akong pinagdududahan, kahit wala kang tiwala saken, kahit 'di ka naniniwala sa mga sinasabe ko. Papatunayan ko na mali lahat ng iniisip mo. Ngayon mo masusubukan ang pag-ibig ko sa'yo, ngayon ko mapapatunayan sa'yo na na totoo ang nararamdam ko. Ikaw lang ang prinsesa ko, ang nag-iisang babaeng nagmamay-ari ng puso ko. Kelan man ay wala kang kahati.. Ikaw lang ang gusto kong makasama, ikaw lang ang kaligayahan ko. Wala kang dapat ikatakot, ibahin mo ako sa mga taong nadaan na sa buhay mo.  Umaasa ako na maayos din ang lahat balang araw. Sa'yo lang ako nakaramdam ng sigla, may mga bagay na ikaw ang nakagawa at nakapagpadama saken. Hindi ako maghahanap ng kapalit, hindi kita pakakawalan..sana ganun ka rin saken. Ikaw lang ang pinagkukunan ko ng lakas para maging matatag, sana naman wag kang sumuko this time. Diba ikaw nga ang laging nagsasabi everytime nagkakaproblema o nag-aaway tayo, at ilang beses pa nga tayong muntikang maghiwalay ....pagsubok lang to diba mahal ko? At marami pa tayong lalagpasan, wag ka lang bumitaw saken. Marami pa tayong mga pangarap, para sa ating tatlo ng baby mo..at umaasa akong matutupad yun. Sorry sa mga kasalanan ko, sorry kung nagkaganito. Sabihin mo saken kung galet ka. Lage naman akong nakikineg bilang kaibigan, kapatid ay hubby mo. Paninindigan ko ang mga pangako ko at pagmamahal ko sa'yo . Gusto kitang makasama habambuhay.
I LOVE YOU MAHAL KO, ASAWA KO, BUHAY KO..

Madilim na Umaga

Alas-ocho ng umaga, wala pa talaga akong tulog..hindi rin ako nakaramdam ng antok dahil sa nangyare. 9:30am ang klase ko, eto at nagkakape habang nag-yoyosi. Ibinubuhos ko nalang dito sa luma kong notebook ang mga iniisip ko. Hindi ko talaga maimagine ang nangyare kagabi ng tinext saken ni ate Bambam tungkol kay Miming. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pakikipag-usap sa kaboardmate ko habang nagsusulat. Ang akala nila siguro nila ay naglilista ako ng mga pautang, pero wala silang kaalam-alam sa nangyare at wala rin akong balak ikwento sa kanila dahil tiyak pagchichismisan na naman 'to ng mga taong makakati ang dila. Nakakatakot isipin ang susunod na mangyayare sa relasyon namin ni Miming. Ganun naman talaga ang buhay, hindi lang puro sarap at saya..paminsan-minsan kelangan din nating kilalanin ang sakit.

Nabaling ang atensyon ko sa land lady namin, ang aga-aga eh ang ingay-ingay. May nagtapon na naman daw kase ng madugo-dugong napkin sa banyo at barado pa ang inidoro.

Nawiwirdohan ako sa mga kaganapan kapag umaga. Minsan lang kase akong masikatan ng araw, hindi kase ako pala-labas na tao. Ang masaklap neto, sa pagsikat pala ng araw ay nakakabit na problema na humaharang sa dala nitong liwanag. Nabubuhay ako sa dilim, nagtatago, malayo sa mga taong mapanghusga. Hindi kase nila maintindihan ang tulad ko. Hindi tanggap sa lipunan ang relasyon namin ni Miming,

Pero masasabi ko lang, mas mabuting tao naman ako sa kanila. Hindi ko intensyon ang manghusga o manakit ng kapwa, hangga't wala kang inaapakang ibang tao walang masama sa ginagawa mo kung malinis ang intensyon mo. Di tulad ng mga nagmamalinis jan, na kung umasta eh parang walang kamikro-mikrobyo sa katawan, at balak pang makialam sa buhay ng may buhay para ano?? ..para gawin tayong kagaya nila na nang-aapak ng ibang tao...

Hangad ko lang ay ang magmahal at mahalin gaya ng karaniwan. Si Miming lang ang nakakaintindi saken. Mapagkumbaba akong tao at walang tiwala sa sarili. Sumasabay lang sa agos ng buhay..kung san man ako mapadpad o ano man ang magiging kapalaran ko sa hinaharap o maaga ba akong mawawala sa mundo. Wala na bang karapatang mabuhay ng normal ang isang tulad ko?

Mabalahibong Pagsubok

Nag-away kami ni Miming sa mga rasong hindi maintindihan. Pinagdududahan at pinagbibintangan nya ako ng kung anu-ano. Ang totoo wala naman talaga nagbago saken, sa sitwasyon siguro, oo. Kase di na kami madalas mag-uusap sa mga bagay-bagay. Pero kailanman ay hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kanya kahit parang magkaka-hypertension ako pag tinotopak siya.

Isang gabi, kumukulo talaga ang dugo ko nung tumawag sya . Iba kase ang tono ng boses at pananalita nya, alam kong 'di sya ok pero ayaw nya sabihin saken bakit sya nagkaganun. Tas nung tanungin ko siya kung nasan siya..sinagot ba naman ako ng "Nasa ibang bahay naghahanap ng aliw!!". Pero kahit alam kong biro lang nya yun kasi hindi naman talaga sya ganung klaseng babae, eh kumulo talaga ang dugo ko na parang gusto kong pasabugin ang isang buong kontinente at magka-World War III... Pero naging ok naman ang lahat.

Pero ang di ko inaasahan na may kasunod palang problema.

The night after nun, umextra mag-gig si Miming dito sa Davao kasama yung dating mga kabanda nya. Gumimik naman yung mga kapatid nya para manuod ng gig nila, at oo! andun din yung terror nya na ate na kinakatakutan nilang lahat.

Habang ako naman ay nagpapababa ng tama sa ininum namin ng mga kabatak ko sa tambayan malapit sa school. Mejo nagpapalpitate pa at masakit ang ulo -- Nag-text si Miming na pumunta ako sa bar na tinutugtugan nila para magkita kami, pero dun lang kami sa luma at madilim na CR kung san wala ng tao ng mga oras na yun.

Agad naman akong pumunta, less than 10 minutes ata at nandun na ako sa rendezvous namin. Ilang saglit lang at nagkita na din kami ni Miming, nangangamoy alak at lasing na ata. Niyaya nya ako sa loob dun namin ibinuhos ang pagkasabik sa isa't-isa..oo, standing position kame.. Matagal din kami sa loob at nung natapos na kami, binigyan ko sya ng konting pera para pambili ng kakailanganin nila ng baby nya. Malaki rin kase ang naitulong ni Miming saken nung mga panahong walang-wala ako. Hirap na kase sya ngayon rumaket sa banda kase mahigpit yung ate nya, kaya nagtabi ako ng kaunti galing sa allowance ko. Nailang ako nung pinaipit nya sakin yung pera sa bra nya.

Pagkatapos naming mag-usap sa loob, dali-dali na akong lumabas, kinakabahan ako na baka may makakita saken kaya direcho lang ako sa paglakad palabas ng bar. Bumili pa ako ng softdrinks sa katapat na tindahan at tumambay ng ilang minuto sa dilim habang nag-yoyosi. Ewan ko, hindi talaga ako mapakali sa pagkikita namin ni Miming..dapat maging masaya ako dahil nakasama ko sya kahit sandali lang.

Naglakad nalang ako pauwi para magpahangin at mag-munimuni. May nadaanan pa akong bugaw at inalok pa ako ng chicks. Ang sarap sagutin ng "Sige..thank you nalang at katatapos ko lang". Pero di na ako kumibo, ngumiti nalang ako at patuloy sa paglalakad.

Malapit na ako sa kanto ng boarding house ng may mga tambay na nagsasabing may naghahanap daw saken, isang babae at isang lalake. Hindi ko na sila pinansin dahil hindi ko naman sila kilala at baka napagtripan lang ako,

Pagdating ko sa may tindahan nakasalubong ko yung sinasabi nung mga tambay na naghahanap saken. Kabanda pala ni Miming tsaka yung ate Bambam nya ang naghahanap saken. Hinahanap nila si Miming..inaakalang baka pumunta sa boarding house ko. Kinabahan ako at di ko na alam ang isasagot ko. Galit na raw kase yung kumander na ate nila kase bigla raw nawala si Miming at gusto na nilang umuwi. Hindi naman nagalit si ate Bambam at parang concern pa sa aming dalawa ni Miming.

Pagpasok ko sa kwarto, nag-charge agad ako ng cellphone. Hindi ko tinext ang number ni Miming sa takot na baka mabasa ng ate nya, ramdam kong gulo ang mangyayare. Ang tanging ka-text ko lang ay yung isang ate nya na nakakaalam sa relasyon naming dalawa. Patuloy sa magbibigay ng impormansyon sa mga nangyayare. Kaya pala hindi ako komportable sa pagkikita namin ni Miming....

Ng makita na nila si Miming na kalalabas lang sa CR kung san kami galing. Agad siyang sinampal ng ate nila. Yun ang sabi ni ate Bambam sa text. Nag-alala ako hindi lang sa relasyon namin kundi kay Miming mismo. Grabe raw ang iyak nya, baka pinahiya pa sya. Yun ang mga sabi-sabi na mga nirereport saken pero eto ako, nasa kwarto at walang magawa para ayusin ang gulo. 6:40am at wala pang tulog.

Ang huling text ko lang kay ate Bambam ay "Te, pakisabi kay Miming na mahal na mahal ko siya..". at pinabasa naman nya ito kay Miming at mas lalo raw itong humagulgol. Hindi na ako nagreply pagkatapos nun. Ayaw ko munang guluhin ang mga pag-iisip nila.

Alam mo yung feeling na gustong-gusto mo ng umaksyon pero wala kang magagawa dahil kahit gustuhin mo man ay wala ka pa ring kalaban-laban?

Katapusan na ba namin ni Miming? Mahal na mahal namin ang isa't-isa at handa akong magtiis, maghintay at magsakripisyo para sa kanya. Hindi ko sya iiwan sa ere..ngayon na mas kelangan nya ako. Hindi ko alam kung anong susunod sa kwento naming dalawa. Sana pwede pang maayos ang lahat...

Inspired by Panti


Sobrang nainspire ako sa mga libro ni Jay Panti. Hindi pala kelangan matalino ka para ilahad ang mga opinyon at mga nararamdaman mo. Hindi ko naman sinasabing bobo si Jay magsulat. Yung kasimplehan nyang magsulat ng kwento, yung parang nakikipaglokohan ka lang sa mga tarantado sa kanto. Walang kaplastikan na kelangan magmukha talagang genius sa mga sinusulat at ginagamit nyang salita.

Elementary pa lang ako ay essay na ang paborito ko sa lahat ng mga pagsusulit. Tamad kase akong mag-aral, sa essay kase damdamin at opinyon mo ang kelangan. mas nai-express ko ang opinyon ko sa pagsusulat kesa sa pakikipag-usap. Magaling daw ako sabi ng mga teachers ko, siguro nga totoo yun kase laging matataas ang kuha ko sa mga essays. hehe

Naging impluwensya ko si Jay Panti sa pagsusulat ko dito sa blog. Kung mapapansin nyo, puro kamanyakan. Talaga naman kaseng masarap si Miming, pero hindi lang yun ang habol ko sa kanya. Super inlove ako kay Miming. Di kagaya ni Jay na malaking boobs lang ni Steph ang habol..haha! peace Jay! alam kong nakamove-on kana, kumusta mo nalang ako sa mga chicks mo na laging laman ng mga libro mo. Kahit maliit lang ang boobs ni Miming ay kinahuhumalingan ko yun..haha!

Tuesday, January 17, 2012

Time Machine

Eto at nakatulala na naman sa loob ng kulungan ko, nagsusulat habang nakikineg ng radyo, mga kantang nakakalungkot. Parang kahapon lang nung kasama ko si Miming, ambilis ng oras pagkasama ko si Miming, pero parang taon ang hihintayin ko para makita sya ulet. Feeling ko napag iwanan ako ng mundo..parang lahat ng tao sa paligid ko ay pinagkakaisahan ako kung wala si Miming, para akong walang kakampi.. hehe ibahin na nga lang natin ang usapan at baka maiyak pa ako dito sa kaiisip. Kwentohan ko nalang kayo tungkol sa sarili ko since akin naman ang blog na 'to, wala kang choice kung hindi ka interesado wag mo nalang basahin, mag troll ka nalang sa ibang site. :D

(konting katahimikan at uumpisahan ko na ang storya)

Masakitin ako nung bata pa ako, ako ang bunso sa dalawang magkapatid. Parehong busy sa negosyo ang mga magulang ko kaya yaya ko ang kinikilala kong ermat nung bata pa ako. Bantay sarado ako kaya hindi ko masyadong naenjoy ang kabataan ko. Yung iba nakikipaglaro sa mga kaibigan nila habang ako nakikipaglaro kina Mario at Luigi(sino ba naman ang hindi naadik sa family computer?). Bihira lang akong makalabas ng bahay ng walang bantay. Hindi ako marunong lumangoy hindi kase ako nagkaroon ng chansa para matuto, yung mga pinsan ko parang mga syokoy kung lumangoy habang ako nasa tabi lang kung san hanggang tuhod lang ang tubig, baka raw kase malunod ako. Kaya siguro lumaki akong takot sa buhay dahil sa pagkapraning ng mga magulang ko at ang ng mga alagad nila.

Hanggang sa mga oras na to at sa kinatitirikan ko ngayon, Hindi ko pa rin alam kung anong purpose ko sa buhay kung bakit pa ako humihinga ngayon. Lagi nalang akong takot. Nag attempt akong magsuicide nung nasa 2nd year highschool pa lang ako, dahil sa first girlfriend ko, kumalat pa nga ang chismis sa buong campus. Ang tibay pa rin ng sikmura ko kahit ilang sleeping pills ang nilaklak ko, eto at buhay pa ako. Sabi nila masamang damo matagal mamatay. Pero sa tingin ko may halaga talaga siguro ang buhay ko dahil hindi ako hinayaan ng Diyos na magswimming sa karagatan ng apoy kasama ni Lucy.. Hindi pa naman ako marunong lumangoy..

Grumaduate ako ng highschool sa isang Catholic school kaya may mga natutunan din ako sa buhay at kahit papano hindi napariwara ang kaluluwa ko. Masama man ako sa mata ng mga taong nagmamalinis..dahil sa may tattoo ako, may bisyo, makasalanan. Teka??sino bang sira ulong nagsasabing wala syang kasalanan? Ganun naman talaga ang karamihan, mapanghusga, nagpapanggap na malinis, gagawin ang lahat para umangat. Kahit wala ka namang ginagawang masama sa kanila, gusto ka pa rin nilang saktan. Basta ako, ineenjoy ko ang karapatan ko as long as wala akong inaapakang ibang tao. Hindi naman siguro masama ang magmahal at karapatan ko yun.
Ang totoo malungkutin talaga akong tao. Walang direksyon ang buhay ko, walang pangarap at patutunguhan. Ang tinuring ko ng tanging kasangga sa buhay na kailanman ay laging nanjan kung kelanganin ko ay ang musika. Bata pa lang ako pangarap ko talaga maging katulad ng mga idolo kong banda, naging inspirasyon ko sila. Main influence ko talaga ang Slapshock dahil una ko talagang nakahiligan ang hiphop, at dun nauso ang rap metal. Dun ako unang nahilig sa mga maiingay na tugtog. Mas nafocus ang atensyon ko sa drums. Kaya sabi ko paglaki ko gusto ko maging drummer! Naging drummer nga ako, sa school band..una akong natuto ng mga simpleng palo nung kinder 2 hanggang nag grade 2 ako. Hanggang sa nag highschool ako, at dala ng barkada..natuto akong tumugtog ng gitara. Dahil sa patambay tambay kapag walang pasok sa eskwela, may mga nakilala ako at nasali ako sa grupo nila. Una talagang role ko ay bassist kase mahihina pa yung mga daliri ko, bass kase ang pinakamadaling pag aralan...hanggang sa naging rhythm guitarist ako sa ibang grupo. Dun din ako nalulong sa pagyoyosi at pag inum.

Nagkaron ako ng sarili kong drumset nung 4th year highschool ako. Hanggang sa nafocus ako dito at nasali ako sa isang showband kung san nakilala ko si Miming. Dalawang taon akong walang gana sa pag aaral dahil sa nakaadikan kong ito. Hindi pang lifetime assurance ang pagbabanda pwera nalang kung maging kagaya ako ni Ozzy Osbourne ng Black Sabbath na kahit uugod ugod na, kumikita pa rin habang parelax relax. Kaya ipinagpatuloy ko ang pag aaral ko.

Maraming nagsasabi na napakalalim kong tao, hindi totoo yun. Tahimik lang kase ako, palaging malalim ang iniisip. Naging past time ko na siguro ang mag isip. Ang totoo mababaw lang ang kaligayahan ko. Hindi ko hinahangad ang marangyang buhay, mga material na bagay na nakakasira ng ulo. Mas gusto ko ang simpleng buhay, yung tipong paglingon mo anjan lahat, hindi lang puro luho pero yung kelangan mo talaga. Yung mga mahal mo sa buhay. Basta't masaya at walang naghihirap. Walang mabigat na responsibilidad. Ang mahanap at makasama yung totoong taong makakasundo ko at magmamahal saken.

Marami rin silang nagdaan sa buhay ko, may maitim, may maputi, may pango, may social climber, may isip bata, may dancer sa club, may pick up girl, may tindera ng gulay sa palengke, may abusado at maluho. Pero kahit ano man ang tawag ko sa kanila, laking pasalamat ko sa kanila at natuto akong maging matatag sa kabila ng mga pasakit nila, hindi ako nagtanim ng galit pero may mga bagay lang na sadyang hindi talaga makakalimutan. Pero iba na pagdating kay Miming, hindi ko maimagine na may tao rin palang may katangian gaya nya, yung mga katangiang pinapangarap nating lahat. Sana si Miming ang makasama ko hanggang sa kahulihulihang sandali ng buhay ko. Dahil sa kanya natuto akong mangarap at magseryoso sa buhay at kung anumang responsibilidad na sasalubong sa amin nawawala ang takot ko. Sya ang naging lakas ko para gawin ang mga bagay na di ko pa nasubukan at kinakatakutan ko, lakas para gawin ang lahat makasama ko lang sya. May mga bagay na hindi ko alam na si Miming ang kasagutan, mga lugar na gusto kong puntahan at nabigyan ng katuparan dahil kay Miming. Nagbago ang pananaw ko sa buhay dahil lang sa kanya...



Masaya ako na naging kami ni Miming, kung nakikita lang ako ng mga lumang tao sa buhay ko sa piling ni Miming..maipagmamalaki ko siya sa kanila. Hindi ko man hawak ang tadhana, pero ang panahon mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala kami, ang lakas ng impact ng babaeng mahal ko ngayon sa buhay ko. Malaki ang naging parte nya sa buhay ko na kailanman ay di ko malilimutan.

Monday, January 16, 2012

Tongue Twister Pagkatapos ng Madugong Araw

Wat up yo?? 4th monthsary nga pala namin ni Miming nung 14, Hurray! At natupad nga ang gusto kong mangyare. Nagkita kami ni Miming, pinuntahan nya ako sa probinsya at sa bahay namin sya natulog **teka at hindi ko alam kung san ako magsisimula, nagkamental block ako ng 30mins habang nagsusulat dahil di pa ako nakaget over sa mga pangyayare.

Akala ko hindi na sya darating, mag aalas tres na ata yun ng hapon, araw ng Sabado. Dahil sa sobrang excited umaga palang pinalinis ko na yung bahay at ang lugar kung san magaganap ang maliligayang sandali sa buhay.

Hapon na! Kahit isang text ay wala pa rin akong natatanggap kaya natulog nalang muna ako sa sala at patuloy sa paghihintay. Ilang minuto lang akong nakaidlip ng nagulat ako ng dumagungdong ang cellphone ko na pinwesto ko malapit sa tenga ko. May message..pagbukas ko ng inbox..pangalan ni Miming..Miming..Miming na nagpangiti sakin nung nakita ko sa inbox.. Ayy..nagrequest lang pala ng load, kaya binigyan ko sya. Maya maya nag text na sya at nagpapasundo sa terminal. Ayan na! on the way na pala sya. Dali dali naman akong umalis ng bahay papuntang terminal para sunduin sya.

Habang nakaupo sa waiting area ng terminal, mejo kinakabahan at nahihiya pa sa mga taong nakatingin saken, para naman kase talaga akong tanga tingnan pag walang kasama kase para akong hindi mapakali.
Habang naghihintay, nagyosi muna ako.. hindi ko sya napansin na bumaba sa maliit na bus na parang loaf bread..  At eto na!!!Nakita ko na si Miming!!sa wakas! Parang tumigil ang ikot ng mundo, tumahimik ang paligid ko, parang nag slow mo bigla yung eksena nung nakita ko na sya... Yung may hangin effect pa na humahampas sa buhok nya at lumingon sya saken(imagine mo in slow mo ahh). At ng ngumiti sya sakin na parang gusto kong matumba sa kinauupan ko at mangisay, pero hindi naman pwede kase baka mapagkamalan akong may epilepsy baka magkagulo pa ang mga tao dun sa terminal. Alam mo yung feeling na sobrang saya, pananabik, kaba at kilig. Pero sabi ko naman sa'yo dun sa isa kong post na ako yung tao na parang kakiliti kiliti sa katawan kaya hindi mo ako mababasa kung hindi mo ko kilala. Kahit ganun ang feeling ko nung nakita ko sya, pokerface pa rin..haha!

(Balik sa kwento)

Ayun, nagkita na kami.. Ako na nagdala ng gamit nya. Abot tenga ang mga ngiti naming dalawa at parang nagkakahiyaan pa.

Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya hindi ko sya pinatawad. Sinakyan ko sya at binangga bangga, may mga bakas pa ng dugo sa pinangyarihan. Hindi naman ako nakasuhan ng reckless imprudence kase nag enjoy naman sya.. ;) imagine??


Lumabas kami ng 12mn para pumunta sa dating bar na tinutugtugan namin at mag enjoy. Gabing puno ng jamming, inuman at kwentohan sa mga kakilala naming banda. Nung pabalik na ako sa upuan bigla akong nahilo kaya umidlip muna ako. Niyaya ako ni Miming na sumayaw pero tumanggi ako, mas matigas pa kasi sa troso ang katawan ko at wala akong kahilig hilig sa pagsayaw, magmumukha lang siguro akong flag pole na iniwagayway ng mga lasing sa gitna ng dance floor. Pumunta nalang sa stage si Miming at kumanta kasabay ang banda. Maya maya hindi ko na nakayanan, nasusuka ako, dali dali akong pumunta sa CR..umiikot na ang paningin ko, nabangga ko pa yung tatlong bakanteng table na haharang harang at nabangga pa ako sa haligi ng CR kaya pala may pasa ako ngayon.. Pagpasok ko sa loob inangat ko kaagad ang isang paa ko sa inidoro at nag ala Corey Taylor ng Slipknot ako nung gabing yun sa loob ng CR, may sarili akong concert sa loob habang tuloy ang ligaya ng lahat sa labas kase last set na ng banda.. Pagkauwe namin agad akong nakatulog habang nagtatanggal pa ng make up si Miming. Yun na ang huli kong naalala.


Linggo **Nagising ako ng 10am, pero mas maagang nagising si Miming saken..parang narinig ko syang umiiyak habang nakatalikod sakin.. nagtatampo sya kase tinulugan ko sya.. Bumawe naman ako nung araw na yun at nakipag tongue twister ako sa kanya..natalo ko sya. Napaatras sya kaya nawalan ako ng balanse at sumubsub yung mukha ko sa mahiwagang labi nya, buti naman at hindi nawasak.. Nakasmile pa rin at tila inaakit ako, ang ganda pa ng ngiti na parang ayaw ko ng tigilan pa ang ginagawa ko. Ako naman nakalabas pa rin ang dila na sumubsob sa kakatongue twist at di namalayan ang mabilis na pangyayare. Nakakaadik si Miming at ang mahiwagang nyang labi.

Eto na naman kami at hindi paawat, talaga lang sinusulit namin ang aming pagkikita, tila sabik sa bawat isa.. Nawawalan akong ng lakas pag si Miming na ang nanggigil, puno ako ng kamot, kurot at kagat.. Totoo nga naman talaga ang sabi nung kanta.."Love Hurts".. Pero dun naman ako lalong ginaganahan. Yung tumirik na ang kanyang mata at napapasigaw sya na parang katapusan na ng mundo. Kaya hindi ako paawat kapag ako na ang nanggigil. 

Joyride



Habang pasakay ako ng bus pauwi ng Davao, naalala ko si Miming.. Yung mga panahon sabay kaming umuwi sa mga kanya kanya naming mga buhay, mga panahong magkasama pa kami sa paglalakbay. Marami akong napuntahang lugar dahil kay Miming, mga lugar na gustong gusto kong marating pero di ko pa napuntahan buong buhay ko. Marami ring mga bagay bagay na sa kanya ko lang rin unang naintindihan, natutunan at naranasan.

***
May magsyotang pasahero sa harap ng kinauupuan ko, sa dulo kase ako pumwesto kung san wala akong katabi at walang storbo. Naghaharutan ang dalawa, patingin tingin pa yung lalake sa paligid na parang nakikiramdam kung may nanonood ba sa kanila. Nagpanggap akong tulog pero kanina ko pa sila pinapanood, hindi naman nahahalata kase nakashades ako. Ewan ko kung ano mang kahindik hindik na pangyayare ang nagaganap sa kinauupuan nila. Sa kanila lang nabaling ang atensyon ko sa isang oras na byahe, hanggang sa nakarating ako sa destinasyon ko.

Naalala ko na naman si Miming, naalala ko yung kababalaghan na ginawa namin sa pick up ni erpat.

Pag ibig nga naman, kung san kayo daratnan ng kati, kung may chansa, basta't makapasok eh tuloy talaga ang rachada. Kaya lang nabitin ako nung time na yun kasi sa harap pa ng petshop namin ginawa kung san nakapark ang sasakyan.. May mga estudyante pang dumadaan at napapalingon sa loob ng sasakyan. Para lang walang nangyare, para lang kaming nagkukwentohan sa loob.. pero tuloy naman ako sa pagmamaneho papasok sa butas ng pants nya papunta sa kabilang dimension. hihihi :D


Para paraan!!

Friday, January 13, 2012

Ilang saglit para makaidlip

Alas kwatro na ng madaling araw, araw ng Byernes. Eto at hindi pa makatulog, mejo masakit ang ulo at batok. Uuwi na naman ako sa probinsya mamayang gabi para makapagrelax naman. Nakakastress masyado dito sa boarding house lalo na kung hindi mo kasama ang taong mahal mo para tanggalin ang kalungkutan at pagod mo sa katawan..hehe!

Monthsary na namin ni Miming bukas pero hindi pa sigurado kung makakapunta sya sa bahay, pinipilit ko nalang maging masaya kahit nakacrossfinger..COME WHAT MAY! Ayoko ng isipin pa..

Palagi kong pinapkinggan tong kantang to, bagay kase sa sitwasyon namin ni Miming. Salamat sa gumawa ng kantang 'to dahil pinapalakas neto ang loob ko para mas maging matatag para kay Miming.. :)

Naghihintay sa isang sulok

Pasensya kung mejo maingay ngayon sa loob ng blog ko, depende kase sa mood ko kung ano ang pinapakinggan ko. Parang takbo ng buhay, pabago bago. Sadyang ang hirap isipin na hindi lahat ng gusto naten makukuha naten, kahit pa paghirapan naten ito. May mga bagay talaga na hindi pwede, karamihan sa atin sumasabay nalang sa gulong ng ng takbo ng panahon, kaya karamihan sa atin ay naiipit sa mga sari saring sitwasyon. Pero choks lang. Basta't nasusunod ang gusto.

Ang kinakatakutan ko sa amin ni Miming ay baka magbago sya, sa mga panahong hindi kami nagkikita. Nagbago na kase ang ihip ng hangin para sa aming dalawa, may mga bagay na hindi pwede. Natatakot ako na baka magpatangay sya, dahil malayo ako sa kanya. Baka masanay syang wala ako sa buhay nya. Ang daming tumatakbo sa isip ko na di ko malaman kung ano ang dapat gawin, steady nalang ako sa isang sulok at naghihintay kung ano ang susunod na mangyayare. Panahon na naman ba para ako'y masaktan ulet? Sabi nga ni Papa Jack "Ang mga sakit na hindi nakakamatay will only make you a stronger person..". Pero may tiwala ako kay Miming, sana nga lang hindi dumating yung panahon na kinakatakutan ko.

Kung ako lang sana ang masusunod eh ayaw ko ng umalis pa si Miming pabalik ng Japan, pero pano? Kelangan nyang kumita para sa pamilya nya, at ang masaklap..kelangan nyang magpasakal..este magpakasal sa isang hapon. Pero pangako naman nya saken na kahit na dumating man ang araw na yun, at magkakaasawa na sya...ako pa rin daw ang magmamay ari ng puso at pagmamahal nya. Sakin pa rin daw sya nakatali kahit na san sya magpunta.  Natatakot ako, kadalasan kase sa mga pangako ay napapako. Pero umaasa pa rin ako, at maghihintay nalang ako kung ano ang susunod na mangyayare, mahal ako ni Miming. Iba kase si Miming sa mga taong nakilala ko, marunong syang tumupad ng pangako.

Naninibago ako sa kanya, hindi na kase ganun kakulit sa text. Ang akala ko walang magbabago, pero may pinanghahawakan ako, hindi ako bibitaw hangga't di nya sinasabing ayaw na nya. Bihira ko na rin marinig ang boses nya, paminsan minsan nalang kase syang tumatawag. May mga negatibo akong naiisip pero pilit ko itong nilalabanan at di ko nalang ito sinasabe sa kanya, ayokong masakal si Miming, ayokong maging nagger. Mas malaki kase ang possiblities na magloko ang isang tao kung puro ka duda kahit wala namang katibayan. Mahal ko si Miming at magtitiis ako hangga't mahal nya ako..

Tawagin mo man akong gago, wala pa ring magbabago sakin. Iba ako sumeryoso ng tao, lalo na't mahal ko. 

Thursday, January 12, 2012

Baliw!

Ako yung taong parang walang kakiliti-kiliti sa katawan. Para akong manhid, laging nakakunot ang noo, madalas nag-iisa. Minsan naman pag umandar ang topak ko, nagiging malisyoso ko, nagdadabog, bitter, at kung minsan naman tawa ng tawa kahit hindi masyadong nakakatawa. Parang sira ulo lang ahh noh?

 Pero nabago ang lahat ng yung simula nung naging kami ni Miming, lahat ng kakornihan sa mundo nasa sakin na siguro. Eh ikaw ba naman mabaliw sa girlfriend na sobrang sarap (hmm!malisyoso ka rin!?).. Ang ibig kong sabihin sobrang sarap magmahal.. Tyak hahanap-hanapin mo sya bawat sigundo na lumipas at tutulo ang laway mo sa pamimilipit sa panggigigil na makita syang ulit.

Nandito ako sa internet cafe ngayon, katabi lang ng school namin. Hindi pa rin maalis si Miming sa isip ko, palagi ko syang naalala. Siguro kung nababasa nya ang mga post ko ngayon, masasabi nya siguro na nasisiraan na ako ng ulo. Iba kase ako dito sa blog, madaldal ako...iba sa personal, tahimik lang at laging nabubulol. Siguro sa dami ng iniisip ko - nakatambak lahat sa bibig ko ang mga iniisip ko na gustong-gusto kong sabihin. Dito ko nalang ibinubuhos sa blog ang mga iniisip ko. Baka sakali magkaintindihan naman tayo.

Miss ko si Miming, pag magkasama kami hindi ko masabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Pero iba ang nararamdaman ko, na kahit feeling nya wala lang sya saken at feeling nya binabalewala ko lang sya at ang mga bagay na ginagawa nya. Pero ang totoo ang dami ng tumatakbo sa isip ko pero hindi alam kung pano sabihin. Hindi lang talaga siguro mabasa sa mukha ko kasi para akong walang reaksyon, Pokerface -- ika ni Lady Gaga. Hindi ko alam kung bakit ako ganito, siguro dahil sa kinalakihan at nakasanayan ko na buhay na malungkutin. Kaya nanibago ako nung nakilala ko si Miming. Para kase syang toro na atat na atat palagi magwala...Full of energy. Game si Miming sa halos lahat ng bagay, pwera na lang kapag tinotopak sya, pero walang kaibahan..full of energy pa rin sya..Sumimangot, todo ang force na parang maiipit ka sa gitna ng nagkasalubong nyang mga kilay.

Hindi ako magaling sa kasweetan, kaya minsan nagtatampo si Miming sakin. Pero sinisikap kong iparamdam sa kanya na mahal ko talaga sya sa sarili kong pamamaraan. Late na ako nakapagbigay ng regalo kay Miming,, kaya sinulit ko na, hindi ko kase sya nabigyan nung pasko, monthsaries namin at nung birthday nya. Estudyante pa lang kase ako, at kelangan kong i-budget yung allowance ko kase mahirap malayo sa magulang. Binigyan ko si Miming ng teddy bear na kulay pink, napaka-cute. Kung minsan nga kinakausap ko at natural, hindi sumasagot. Sa sobrang pagkamiss ko kay Miming, nasiraan na nga yata ako ng ulo. -- Pinangalanan nya itong Zildjian. Matagal ko tong naibigay kay Miming kase matagal kaming hindi nagkikita, tumatakas pa sya para makipagkita saken.

Kung alam lang sana ni Miming kung gaano ko sya kamahal at gaano sya kahalaga sakin, na hindi mapapantayan ng sinuman o ano mang material na bagay sa mundo. Hindi ko sya ipagpapalit sa ibang babae! Si Miming lang! Si Miming lang talaga! MEOW!!!

Tuesday, January 10, 2012

Mundo Sa Loob ng Kahon

Magdadalawang linggo ang makalipas ng huli kong makasama si Miming sa iisang bubong. Alam mo na ang ibig kong sabihin. Naglive in kami ni Miming ng tatlong buwan, at nung nakaraan dalawang linggo ay kailangan na nyang umuwi sa kanila kase umuwi na yung ate nya galing Japan. Bantay sarado si Miming, patago kami kung magkita, pero sinusulit naman namin ang kasarapan sa buhay sa tuwing kami ay nagkikita, paminsan minsan pumupunta sya sa bahay namin sa probinsya. Pero lagi ko syang namimis, parang hindi umiikot ang mundo ko ng wala sya, parang walang sigla at saya.  Nasanay na akong palagi ko syang nakikita, sabay kaming kumain, sinusundo ko sya paminsan minsan sa mga gigs nila, sinasamahan sa mga out of town shows ng banda nila. Namimis ko lahat sa kanya, pati pag utot nya, kahit na lage syang naiirita saken at inaaway nya ako.

Para akong walang sustansya sa katawan na hindi makagalaw ng maayos at nanghihina, mag isa nalang ako sa kwarto, sa kama kung saan kami laging naglalambingan at alam mo na. Ngayon para akong paralyzed na hindi makagalaw, hindi alam ang gagawin, laging nakatulala. Madaldal si Miming, hindi sya nauubusan ng kwento kahit magdamag kang nakatunganga sa kanya. Kaya kahit wala akong ginagawa basta't kasama ko sya, masaya ako.

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami ganito, naghihintay lang ako ng tamang tyempo.