Aalis na si Miming papuntang Japan ngayong Sabado, hindi ako nakapagpost nitong mga nakaraang araw/linggo dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pag-alis nya. Kung pwede lang sanang mag-rally sa harap ng airport o lumuhod at magmakaawa ako sa harapan ni Miming na wag nya akong iwan, pero hindi naman pwede..siya kase ang sandalan ng pamilya nya, ng baby nya..at mas magiging ok ang buhay ni Miming dun. Kaya hahayaan ko nalang sya dahil ikabubuti naman to sa lahat. Kung mahal nya talaga ako hindi nya ako sasaktan o ipagpapalit sa iba kahit magkalayo kami, kung hindi naman "ahh! goodluck nalang saken". May patutunguhan naman ang lahat ng paghihirap at sakripisyo lalo na para kay Miming. Hindi lang ako makapaniwala na nasabi ni Miming kanina na selfish ako..hindi ko alam, kase inuuna ko naman si Miming sa lahat ng bagay.
Grabe ang naging away namin ni Miming nung isang linggo, dahil sa Huwat Ching Lei na Killer Smile na yun na pag naaalala ko ay para akong aatikihin sa puso.
Ganito ang eksena:
natutulog ako ng ginising ako ni Miming para i-log-in ang account ko sa FB sa laptop, ng makapasok na pinatalikod nya ako para di ko makita ang ginagawa nya sa account ko. Ng lumingon ako para tingnan kahit saglit kung ano ang ginagawa nya, nakita ko ang profile ng hinayupak na yun. Nung una wala lang saken, bumalik ako sa komportableng position ko para matulog ulet, ng sinabe ni Miming na iba-block nya sa account ko ang mokong na yun kase baka magselos raw ako. Sarcastically sinagot ko sya "bakit mo iba-block? may tinatago ba kayo?". Hindi ko alam kung bakit bigla syang nagalit sa biro ko, kase hindi naman talaga ganun si Miming sa mga inoopen nya saken na mga nagkakagusto o nanliligaw sa kanya. Napag-uusapan naman namin ng hindi dinadaan sa away, pero bakit yung gagong yun ang pinag-awayan namin sa dinami-dami ng nagkakagusto at nanliligaw kay Miming na may pera at ichura. Bakit yun pa ang pinag-awayan namin?Hindi ko ata matatanggap kung sakali na ipagpalit ako ni Miming sa Killer Smile na yun.
Naalala ko bigla yung araw na bantay-sarado pa si Miming sa kumander ate nya. January 14 yun, monthsary namin at linggo ng fiesta ng Sr. Sto Nino. Tumakas si Miming para magkasama kami sa monthsary namin. Ang paalam nya sa ate nya ay may gig sya dahil kelangan nyang kumita nung time na yun kase wala syang income nung huminto sya sa pagbabanda. Actually karugtong ito ng blogpost ko na "Tongue Twister Pagkatapos ng Madugong Araw" ..hindi ko kase nasabi dun lahat dahil ayaw ko ng isipin pa ni Miming. Tsaka hindi naman talaga big deal para saken yun.
The day after kase nung monthsary namin ni Miming,(Jan.15-Sunday) pumunta kase sya sa Marbel para maki-fiesta, oh yes! Hometown ni killer smile. Hindi naman sa binabawalan ko sya na mamasyal o makipagkaibigan pero naisip ko lang "minsan na nga lang sya makalabas dahil sa ate nya, bakit ayaw pa nyang sulitin ang pagkakataon na magkasama kami..akala ko ba miss nya ako?". Kaya biniro ko sya na gusto kong sumama, naintindihan ko naman ang rason nya kung bakit ayaw nya akong isama kase nga may pasok pa ako sa eskwela at ayaw nya akong mag-absent kase Monday pa sya makakauwi. Nagdala sya ng mga pictures para ipamigay sa mga bagong mga kaibigan nya dun, tinanong ko ulit sya kung pwede ba akong sumama. Hanggang sa kinulit ko sya ng kinulit buong maghapon. Pero wala talagang sumage sa isip nya na isama nalang ako para naman makilala ko ang mga bagong friends nya..at lalo na para magkasama kami ng matagal. Paiba-iba ang rason nya..di ko na maalala yung iba.
Hinatid ko sya sa terminal papuntang marbel nung hapon na yun na parang wala lang. Pero nung gabing yun, hindi ako makatulog, hindi ako mapakali, nagtext sya ng mga 9pm na nasa Marbel na sya, pero after nun wala na akong balita, hanggang madaling araw, magdamag akong naghintay..kahit isang text lang para lang mapanatag ang loob ko na kahit iba ang kasama nya naalala nya ako kahit konti. Pero wala talaga. Binalewala ko nalang ang pakiramdam na yun hanggan sa nakatulog ako. Parte rin ito ng blogpost ko na "Joyride" na hindi ko binanggit sa dun sa topic. Habang pauwi kase ako ng Davao, sinulat ko yun sa luma kong notebook sa loob ng bus para maaliw ang isip ko. Ginawa ko nalang iyon na katawa-tawa tungkol sa mga pinaggagawa namin ni Miming nun pero hindi ko pinaalam dun na mejo masama ang loob ko, MEJO lang naman. Pero nagpaka-optimistic ako kase ayaw kong masira ng walang kakwenta-kwentang pinag-iisip ko ang tiwala ko kay Miming. Hanggang sa nabaon ko na sana sa limot.
Pero sobrang sakit ang naramdam ko nung iniwan ako ni Miming sa kwarto nung nag-away kami last week tungkol sa Killer Smile na yun, pakiramdam ko kase parang tinalikuran nya ako dahil lang dun. Natatakot na akong makipag-usap sa kanya tungkol dun kase sa tuwing nagtatanong ako sa kanya tungkol kay Killer Smile nagagalit sya, hindi ko matantya kung bakit sya nagkakaganun sa dinami-dami ba naman ng naghahabol sa kanya na nakilala ko, yung iba pa nga kinaibigan ko. Walang akong inaway, pag nagseselos ako nakokontrol ko kahit di ko sabihin kasi sya ang unang nagsasalita para pag-usapan ang tungkol dun, mas napapanatag ang loob ko. Pero bakit si Killer Smile tinatago nya? Late ko na nalaman na nanliligaw pala sya sa Miming ko. Yun na ata ang pinaka-worst na awat namin ni Miming.
Naging ok naman agad kami kinabukasan, tulog pa ako ng magpaalam si Miming na umalis saglit para magpapalit ng pera na pinadala ng ate nya. Nagising ako, wala pa si Miming, tiningnan ko ang profile ng Killer Smile na yun sa FB..anak ng pucha!naalala ko tuloy yung bagong bf ng ex ko. Mejo natawa ako na mejo naiinis kung bakit pa namin sya pinag-awayan namin ni Miming. Pero di natin alam kung makamandag ang ahas kaya nyang paikutin si Eba. Pagdating ni Miming, pinaalam ko sa kanya na nagsend ako ng friend request kay Killer Smile. At oooh yeee! nagalit na naman sya pero parang pinipigilan nya, buti hindi ulit kami nag-away.
Alam ko na magagalit na naman sya pag nabasa nya to, pero wala na akong magagawa, wala naman akong ginagawang masama, mas mabuti ng malaman nya bago sya umalis papuntang Japan para maliwanagan na ang lahat ng katanungan bago ito lumala at tuluyang mawasak ng taong hindi ko naman kilala. Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko para mapasaya lang sya, nagpakatino ako, siya lang nag-iisang minahal ko. Lahat naman ng tao may pagkukulang. Aaminin ko marami akong pagkukulang kay Miming, pero sinusubukan kong hanapin kung ano ang makapagpapasaya talaga sa kanya. Pero kung sakaling mahanap nya yun sa iba, ano pa nga bang magagawa ko. Wala naman akong panlaban, ordinaryong tao lang ako, alam kong wala akong ibubuga. Pero isa lang maipagmamalaki ko, minahal ko si Miming ng lubos at walang kahati at hinding-hindi ako maghahanap ng iba ako ang mahal nya.
Wala na akong pakialam kung anong mangyayare sa amin ni Miming, uuwi na sya ng Japan at maiiwan na akong nag-iisa sa Pinas. Pero patuloy ko pa ring pinanghahawakan ang pangako namin sa isa't-isa, at maghihintay pa rin ako. Mahal ko si Miming, choice nya na yun kung gusto nya akong saktan o ipagpalit sa iba. Kung sakaling hindi na ako ang mahal ni Miming, sana naman makahanap sya ng totoong magmamahal sa kanya. Wag naman yung Killer Smile na yun! Nakakamatay tingnan, para talaga akong aatakihin sa puso sa tuwing nakikita ko ang larawan ng mokong na yun. Alam ng may karelasyon na si Miming, bumabanat pa rin akala nya siguro sya si Superman..
Pero ok na yun, alam ko namang ako ang mahal ni Miming.. Ako naman palage ang kasama nya maliban sa pamilya nya.
Ang inaalala ko lang, bilang na ang mga araw ng pagsasama namin ni Miming kase sa Sabado na ang alis nya, hindi ko alam kung pano sisimulan ang araw ko ng mag-isa na malayo sa kanya. Nakakamiss, iba naman kase talaga ang saya na pakiramdam kung kasama mo ang taong pinakamamahal mo. Sana ako pa rin sa pagbalik nya. Yung iba masaya na sa kahihingi ng pasalubong mula sa kanya, pero para saken basta ako pa rin nagmamay-ari ng puso at uuwian nya sa pagbabalik nya masaya na ako. Masasabi ko priceless si Miming, kase hindi nabibili ng pera ang saya na binibigay nya saken. Yung kahit tinitigan ko lang syang natutulog napapangiti na ako. Ganun kalakas na impact ang dulot ni Miming saken.