Kung nagtataka ka ba't wala na yung mga lumang posts ko dito, simple...Binura ko, binura ko LAHAT! Wala rin naman kaseng kakwenta-kwenta ang mga pinagsasabi ko dito.. Teka? Kelan nga ba nagkaroon ng kabuluhan ang mga pinagsasabi ko.. Sabi ko nun, katuwaan ko lang ang pagpopost sa blog. Matagal na rin akong hindi nakapag-post dito kaya babaguhin ko na ang takbo sa blog kong ito. Marami rin pala akong ikukwento. Kwento ng katangahan, kakornihan, pag-ibig, pagkapoot at kung anu-ano pa. Kaya kung hindi ka interesado, maaari ka ng lumayas sa pahinang ito, at kung interesado ka namang basahin ang kwento ng buhay kong walang kakwenta-kwenta, tutulungan kitang magsayang ng oras sa mga nalalabi mong mga araw..
WELCOME ULIT SA BLOG KO, TULOY PO KAYO..
WELCOME ULIT SA BLOG KO, TULOY PO KAYO..
No comments:
Post a Comment