Saturday, December 24, 2011

Mabalahibong Usapang Puso

MaUumpisahan kong magkwento tungkol sa babaeng nagpabago ng takbo ng buhay ko, nakilala at naakasama ko sa banda noon. Tawagin nalang nating syang "Miming", kase para syang pusa kung maglambing, at para ring pusa kung magalit, pero kahit ganun..mahal na mahal ko sya. Ng dahil sa kanya, ang laki ng pinagbago ko.. Masasabi kong naging mabuting tao ako ng dahil sa kanya, natuto akong mag-adjust, hindi na rin maiinitin ang ulo ko, hinabaan ko ang pasensya ko, nilunok ko ang pride ko, natuto akong makisama sa ibang tao, at higit sa lahat natuto akong ilagay sa lugar ang pag-seselos. Ewan ko kung anong meron sa kanya na wala sa iba, nahanap ko na rin ang matagal ko ng hinahanap sa isang babae, yung makakasundo ko. Tiwala at Komunikasyon talaga ang nagpapatibay sa dalawang taong nagmamahalan. Kontento na ako sa kanya, sana hindi magbago ang nararamdaman namin sa isa't-isa at sana hindi lang ito panandalian..

Nakilala ko si Miming ng dahil sa banda, singer sya. Hindi nagclick yung unang banda namin (Altertouch) kase magulo. Nagkita kami ulit sa pangalawang banda namin (D'tour) ng kunin ako nung gitarista para maging drummer sa bagong bandang bubuohin nila. Hindi ko inakala na si Miming din pala ang kukunin nila bilang singer kaya naging komportable ako kase ako lang bagohan sa kanila.

Nung una, wala lang sakin yung presence nya..para kasi syang bata. Pero ang totoo, crush ko sya..wala namang masama sa paghanga kasi maganda naman sya at tsaka talented pa. Pero hindi ko ito pinahalata kasi may gf din ako nung time na yun, at ka-M.U nya yung bahista namin (akala ko joke2 lang nila). At naalala ko yung sinabe nya nung hindi pa kami close, na ayaw nya raw magkarelasyon ng kasamahan nya sa banda kasi nakakasira raw yun sa isang banda.. Oo nga naman.. Kaya pinigilan ko nalang ang nararamdaman ko.
Di nagtagal, lumalim ang nararamdam ko sa kanya, sa tuwing may gig kami, kapag breaktime na namin at nag-eenjoy syang sumayaw. Hindi ko alam kung pagnanasa lang siguro ang naramdam ko. Hanggang sa naging infatuation na nga siguro yun. Hindi ko alam.

Last gig nya sa D'tour, automatic na rin ang naging desisyon ko na umalis na rin sa banda nung gabing yun. Para iisa nalang ang magiging problema ng mga natitira sa grupo, tsaka kelangan ko ring bumalik sa pag-aaral kaya aalis rin ako eventually. Nung gabi ring yun, first time na niyakap nya ako habang nagpapapicture.. para akong nahiya o nailang nung yumakap sya sakin. Yun tuloy, nabuking!

Aalis na sya kinabukasan, Lilipad na sya papuntang Japan, ibig sabihin bye2 na.. Di ko na sya makikitang gumigiling, pati sa stage na nakakadistract sakin...

Ilang araw ang dumaan, nasa Japan na sya. Na-miss ko sya. Hindi pa rin kami nawalan ng komuniksyon, hanggang sa di ko na mapigilan at sinubukan kong sabihin na may gusto ako sa kanya. Ang akala ko talaga magagalit sya at di na nya ako kakausapin pero mali pala ako. Mas naging ok tuloy kami. Nung ka-chat ko sya, iba pala sya, matino rin palang kausap. Pero sa kasamaang palad, may bf pala sya..at yun lagi ang topic namin. Badtrip! Hindi tuloy ako maka-eksena.

May mga plano na kami sa pag-uwi nya pero nawalan ako ng pag-asa na matupad yun kase parang ang dami naman nyang bf, hirap pumasok sa eksena. Kaya naghanap ako ng iba online pero trip2 lang. Hindi ko insahan nya sasama ang loob nya, kung alam lang nya sana..mas una sumama ang loob ko sa kanya.

Patapos na ang semester nung nabalitaan kong uuwi sya ng Pinas, kaya nagsend ako ng message sa kanya. Nagbabakasakali na hindi na sya busy sa iba at pansinin nya ako.

Sa welcome party nya, nagkita kami ulet, nanginginig..kinakabahan.. Mas lalo pa syang gumanda, mas lalo tuloy nalaglag ang puso ko.

Pagkatapos ng party at nag uwian na rin yung ibang mga bisita, at ang naiwan nalang ay ang mga kabanda namin, si Meih(close friend namin) at ang pamilya ni Miming, nag iinuman at kulitan. Ilang saglit umuwi na rin yung mga kabanda namin at kami nalang ni Meih at mga Kuya ni Miming. Nalasing si Miming, humiga na sya sa upuan hanggang sa nagpahatid sya saken sa kwarto nya, mejo nakaramdam naman ako ng takot kase nga malaki ang gusto ko sa kanya. ayeee* ;P
ilang saglit pumasok na rin si Meih at pinsan ni Miming sa kwarto at kaming apat lang sa loob. Habang may ginagawang kababalaghan yung dalawa, hindi naman maalis ang atensyon ko kay Miming. Kahit kinakabahan, hinalikan ko sya kahit hindi naman ako marunong haha! Hinalikan ko sya sa lips, pababa sa leeg papunta sa dibdib pero di ko maabot, mahigpit kasi yung bra nya, ewan ko kung bakit di ko naisip na tanggalin nalang yung bra nya, dahan-dahan ko nalang iginapang ang kanang kamay ko sa dibdib nya pero pinigilan nya ako. Akala ko galit sya sa ginawa ko. Nahiya ako sa kanya, akala ko kung anong rason nya, nahihiya rin pala sya saken kase maliit daw yung dibdib nya. Kaya hindi na natuloy nung gabing yun pero masaya ako kase nakasama ko sya, si Miming na matagal ko na ring pinangarap. Kinaumagahan, umuwi na kami ni Meih ng Davao at ilang araw lumipas hindi pa rin maalis sa isip yung mga pangyayare.

Makalipas ang apat na araw, nakainum pa ako galing sa eskwela, pagdating ko sa boarding house nag text si Miming na pupunta raw sila ng bestfriend nya sa Davao para gumimik, nataranta naman ako kaya hindi na ako nakapagpababa ng tama.

Isang gabi ng kaharotan, sa boarding house ko na sila pinatuloy dahil parehong nakainum. Madaling araw na kami nakauwi, para kaming sardinas na nagsiksikang apat (kasama si Meih, yung dambuhala kong bestfriend* peace momeih!) ... kaya sa sahig na kami ni Miming natulog, at dun na nga nangyare.. Nakapasok rin ako sa kaharian nya! maaygaad!!!Daig ko pang nanalo sa lotto. Tinanong ko sya ulet kung pwede ba na maging kami ni hindi ko inisip na kumplikado ang sitwasyon. Sinagot naman nya ako. Nung una parang laro lang kasi pareho naming alam na may gf din akong naiwan sa probinsya at ikakasal naman sya sa isang hapon eventually.

Ang hindi ko inasahan na matututunan nya pala akong mamahalin na ang akala ko'y malabong mangyare kasi mababa lang ang tingin ko sa sarili ko para magustohan nya ako, may mga konting problema at nagkasubukan nga. Nasaktan ko si Miming, ng hindi sinasadya, isa sa pinakamalaki kong pagkakamali. Kaya namili ako, mas pinili ko si Miming at iniwan ko yung isa.

Wala akong pinagsisihan sa lahat ng naging desisyon ko, sa lahat ng nagawa ko, sa lahat ng ligaya at sakit na naranasan ko kay Miming. Ako na ata ang pinakamaswerteng tao dahil ako ang napili ni Miming na mahalin nya. Even though marami pa kaming dapat na lagpasan, at may mga pagsubok na naghihintay sa amin sa hinaharap. Pero isa lang ang alam ko. Mahal na mahal ko ang pusang nagbigay ng kulay ng mundo ko!



REBORN!

Kung nagtataka ka ba't wala na yung mga lumang posts ko dito, simple...Binura ko, binura ko LAHAT! Wala rin naman kaseng kakwenta-kwenta ang mga pinagsasabi ko dito.. Teka? Kelan nga ba nagkaroon ng kabuluhan ang mga pinagsasabi ko.. Sabi ko nun, katuwaan ko lang ang pagpopost sa blog. Matagal na rin akong hindi nakapag-post dito kaya babaguhin ko na ang takbo sa blog kong ito. Marami rin pala akong ikukwento. Kwento ng katangahan, kakornihan, pag-ibig, pagkapoot at kung anu-ano pa. Kaya kung hindi ka interesado, maaari ka ng lumayas sa pahinang ito, at kung interesado ka namang basahin ang kwento ng buhay kong walang kakwenta-kwenta, tutulungan kitang magsayang ng oras sa mga nalalabi mong mga araw..

WELCOME ULIT SA BLOG KO, TULOY PO KAYO..