Saturday, April 21, 2012

Gumawa ako ng panibagong blog kanina, kaya lang hindi ko alam kung ano ang isusulat ko dun. Kaya bumalik ako dito sa luma kong blog. Nag-iisip ng mga isusulat ko habang soundtrip ang Kisapmata ng Rivermaya.Dalawang kaha na ng yosi ang naubos ko.

 Siguro wala na akong masyadong maikwento tungkol kay Miming, malayo na kasi sya. Ewan ko, hindi ko sya maintindihan, siguro nagbago na nga sya..hindi ko lang siguro matanggap. Kahit maliit na bagay pinag-aawayan. Mainitin palagi ang ulo nya at parang ayaw nya akong kausap. Siguro may iba na sya, di nya lang sinasabi.. Bahala na, basta't magpapakatino nalang ako habang naghihintay sa kanya, at kung darating ang panahon na malaman kong totoo man na niloloko nya lang ako, at least hindi ako ang nanloko at sana seryosohin sya kung sino man yun, at kung meron nga talaga.

7:21am, hindi pa makatulog. Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? " Siguro masaya sya dahil wala ako sa tabi nya, hindi ko alam ang mga ginagawa nya, kung sinong kachat nya, kung saan sya pupunta at kung sino ang kasama nya. " mga bagay na laging tumatakbo sa utak ko. Eto ako 24 oras nakakulong sa lungga ko, nag-aabang sa kanya, pero wala lang sa kanya.

Siguro pinagtatawanan na ako ng mga taong hindi naniniwala sa LDR at yung mga taong galit sa relasyon namin. Masaya din kaya si Miming? Ako lang ata nagdurusa habang silang lahat nagpapakasaya..

Naging habbit ko na ang pag-inum simula nung umalis si Miming. Lagi akong nagkukulong, lumalabas lang ako ng bahay para makipag-inuman, lalo na pag nag-aaway kami.