Nagkita kami ni Miming night before ng birthday party ng baby nya, kumain kami sa Jollibee kasama yung ate nya at yung mga chikitings.. Pagkatapos namin, pinauna na Miming pauwiin yung ate nya kasama yung mga bata at nagpaiwan sya para magkasama pa kami bago sya umalis. Naglakad-lakad muna kami ni Miming kahit masama yung pakiramdam nya. Pagdating namin sa bahay, pinatulog ko muna sya sa kwarto ng makapagpahinga naman, nagpapagising sya saken ng 10pm para umuwi sa kanila. Paggising nya hindi ko inaasahan ang una nyang sasabihin kahit namamaos pa ang boses at nakapikit pa. "Sex mo ko?pwede ba?pls..". Natameme ako nung narinig ko yun, paulit-ulit nyang hiling saken, gusto ko rin naman pero nung umpisahan ko mejo hindi ako komportable kase masama nga yung pakiramdam nya. Kalagitnaan, bumalik ang sigla ni Miming, mas lalo akong naganahan, yung moan ni Miming, yung init ng katawan nya, yung ehemm napakainit!!parang naglalagablab!!! Napapapajak pa si Miming sa sarap hanggang sa naglugaw na, at ng matapos na, niyakap nya ako ng mahigpit habang nakapatong ako sa kanya, hindi pa sya nakapagsuot ng panty.. Ang sarap sa pakiramdam na akin si Miming!
****Kinabukasan
Habang nasa bus ako papunta kina Miming, katabi ko ang birthday cake na pinabili sa akin ni Miming. Madilim na nung nakaalis ako. Konti lang ang sakay ng bus, binuksan ko ang bintana para maramdaman ang hangin sa aking mukha. Hindi ko mapigilan na hindi maisip ang pag-alis ni Miming. Despidida party din ni Miming nung gabing yung, kasabay ng 2nd birthday ng baby nya.
Ng makarating na ako sa lugar nila, naghintay pa ako ng ilang saglit sa terminal. Nagtext si Miming na magtricycle nalang ako papunta sa bahay nila. Pagdating ko, nag-antay pa ako ng ilang minuto sa kapitbahay nila kasi nahihiya ako pumasok sa bahay nila ng mag-isa, maya-maya lumabas na si Miming. sa tuwing nakikita ko sya lagi akong nakakaramdam ng saya, "ito yung babaeng inantay ko ng ilang buwan, at minahal ko ng lubusan..". Buong buhay ko hindi pa ako nakapaghintay ng ganun katagal sa isang babae, pero iba na talaga to..totohanan na talaga to.
Nung nasa kwarto na kami, andun din yung dalawang kabanda ni Miming galing pa ng Davao. Pagkatapos naming maghapunan, nag impake na si Miming habang nag-iinuman kami. Parang gusto kong maluha habang tinititigan syang nag-aayos ng mga gamit nya na dadalhin sa Japan. Pero tinago ko nalang ang lungkot na nararamdaman ko, ayaw ko kase na malungkot si Miming sa pag-alis nya.
Nung matapos na siya sa pag-aayos ng gamit nya, nagkwentohan kami sa labas ng kwarto nya kasama ang auntie ni Miming habang pinapadede nya yung baby nya. Naluha si Miming, tinakpan nya yung mukha nya ng panyo habang pinapayuhan sya ng auntie nya. Nalungkot ako hindi lang dahil magkakalayo na kami ni Miming, kundi dahil magkakalayo na naman ang mag-ina. Nalulungkot akong tingnan yung baby nya na nakatingin sa mommy nya na umiiyak. Hindi ko sila kayang tingnan ng ganun, tumingin nalang ako sa labas, sa may bintana kasi ako nakaupo. Pero sa gilid ng mata ko alam kong nakatingin sa akin si Enchong (yung ex ni Miming). Di ko napigilan pumunta ako ng banyo at dun ako humagulgol..Pilit kong pinigilan yun at bumalik ako agad sa taas.
Naalala ko pa nung nag-usap kami ni Enchong, gusto ko pa sana arborin yung bonet nya pero di nya binigay. Ok lang naman, inarbor nya yung isang wristband ko..binigay ko nalang sa kanya. Nung pumasok ako sa kwarto para tumagay, paglabas ko wala si Miming at Enchong, hindi naman sa pinagduduhan ko sila, naging mabuti din naman yung ex nya saken. Bumaba ako at nakita ko silang nag-uusap habang nag-aayos si Miming ng kanyang buhok habang isinusuot yung bonet na bigay ni Enchong. Hinayaan ko nalang sila. Ang totoo nakaramdam ako ng kaunting selos kase wala man lang akong naipabaon kay Miming sa pagpunta nya ng Japan, may valentines/monthsary gift naman ako sa kanya pero hindi naman nya magagamit dun kaya iniwan nya nalang sa kwarto nya. Ayaw ko maging selfish. Alam ko mahal rin ni Enchong si Miming, pero may tiwala ako sa kanya kesa sa iba jan na umaaligid kay Miming. Kung sakali mang magkahiwalay kami ni Miming, mas mabuti pang mapunta sya dun sa taong nagmamahal sa kanya kesa dun sa mga taong katawan at pera lang ang habol kay Miming.
Mga alas kwatro imedya na nung umalis kami papuntang airport. Hindi pa bumababa ang tama ko pero pinilit kong hindi bumagsak dala na rin ng puyat, pagod at kalungkutan, nanghihina ako. Hindi ko inaasahan na sa akin tatabi si Miming sa loob ng sasakyan, nabuhayan naman ako ng dugo kahit papano naramdaman ko sya, kahit hindi kami nag-uusap kase baka mahalata ng parents nya na kami. Patago kase ang relasyon namin. Kandong nya yung baby nya, nakatulog silang dalawa sa byahe. Inangat ko kaunti yung braso ko para suportahan yung ulo ng baby nya sa pagkakahiga at si Miming naman napapasandal sa balikat ko. Hindi ako nakatulog buong byahe para bantayan yung mag-ina, pinikit ko nalang ang mata ko para marelax ako ng konti.
Nung makarating kami sa airport, ito na nga yun. Kelangan ko magpakatatag, kahit gusto ko syang yakapin hindi pwede. Kaya ginalingan ko ang pakipagplastikan na wala lang sa akin ang pag-alis ni Miming. Inaliw ko nalang ang sarili ko sa pakikipaglaro sa baby nya, kahit papano nakapag-bonding kami ng baby nya. Pagpasok ni Miming sa sa terminal ng airport, tumalikod na lang ako. Ang nakakainis pa nun, tinutukso pa ako ng mga kaklase ng ate nya, alam kase nila na kami ni Miming. Pero ang galing ko, hindi ako naluha. Ngiti lang ako ng ngiti na parang sira.
Nung pauwi na kami, napatulala ako habang umaandar ang sasakyan. Nakatingin saken yung baby ni Miming, nakangiti na parang gustong makipaglaro. Napakasweet na bata, mana sa mommy nya na mahal na mahal ko.
Pagdating ko sa boarding house, di na nakayanan ng katawan ko at dumirecho na ako sa kwarto at iniiwasan ang mga tanong at panunukso ng mga kasama ko. Direcho akong bumagsak sa higaan ko na lumuluha hanggang sa nakatulog ako.
